National

2 bersyon sa pagkamatay ng 2 Vietnamese fishermen, lumalabas sa imbestigasyon

 
Nagkaroon ng dalawang bersyon ang nangyaring engkuwentro ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas at ng mga illegal na mangingisda mula Vietnam.
Ayon sa ulat ng mga otoridad, ni-radyohan at nag-warning shot umano ang Philippine Army nang maaktuhang nangingisda ang mga Vietnamese fishermen,sa layong 32 nautical miles sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Ngunit nagtangka umanong tumakas ang mga dayuhang mangingisda at nangmahuli ay tumambad umano sakanila ang bangkay ng dalawang mangingisdang Vietnamese.
Inaresto rin ng otoridadang limang iba pa dahil sa illegal napangingisda.
Depensa naman ng mga Vietnamese,inakala nilang barko ng mga pirata o nangha-hijack ng mga cargo vessels ang mga tauhan ng Philippine Army.
Kinilala ang mga nasa wing Vietnamese na sina Le Vam Liem at Le Van Reo, habang ang limang nadakip ay sina Pan To, Phan Lam, Nguyen Thanh Chi, Phan Van at Nguyen Van Trong na pawing residente ng Phu Yen, Vietnam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *