Regional

2 babaeng drug pushers, arestado ng PDEA

DALAWANG babaeng tulak ng methamphetamine hydrochloride, o mas kilala sa tawag na shabu, ang naaresto ng  mga operatiba ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Agusan Del Sur.
Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang suspek na sina  Gracelyn Tabulo,  Alias Grace, 20-anyos, at  Flora Mae Matabalan, 23-anyos, kapwa  residente ng  Purok 2, Barangay Poblacion, Barobo, Surigao Del Sur.
Naaresto si Tabulo at  Matabalan sa kahabaan ng  National Highway, Barangay 5, San Francisco, Agusan Del Sur.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang pirasong transparent  plastic sachet na umanoy naglalaman ng  shabu, ng may  isang gramong nasa street value ng  P5,000, at drug buy-bust money na ginamit sa  transaksyon.
 
( Ulat Ni: Jimmy Mendoza )

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *