italy film fest pinoy
Showbiz

3 pelikulang Pinoy, itatampok sa Italy Film Fest

TATLONG Pinoy film projects ang napili para sa isang co-production market sa Far East Film Festival o FEFF sa Udine, Italy.

Kabilang dito ang pelikulang “Everybody Leaves” ni Phyllys Grae Grande, “The Grandstand” ni Mikhail Red at “Babylon” ni Keith Deligero.

Ang “Everybody Leaves” at “The Grandstand” ay kabilang sa 15 pelikula para sa Focus Asia.

Habang ang Babylon ay isa sa sampung pelikula na napili para sa Ties That Bind.

Ito ay isang programa na nakadesenyo para tulungan ang mga producers sa Asya na may malaking potensyal sa European-Asian Co-Production.

Ang tatlong pelikula ay napili mula sa 95 na aplikasyon at pinili ng komite na bihasa sa genre films.

Mag-uumpisa ang nasabing film festival mula April 30 hanggang Mayo 2.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *