tripoli,Libya
International

DFA inalerto ang mga Pilipino sa Tripoli, Libya

POSIBLENG tumindi pa ang Nangyayaring civil war sa capital city ng Tripoli sa Libya.

Dahil dito, muling inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa naturang bansa.

Sa kabila ng pananatiling normal ang sitwasyon sa Tripoli ay inaasahan pa rin daw na lalala ang tension.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng parehong panig.

Kabilang dito ang Libyan National Army ni Khalifa Hifter at tropa ng gobyerno na sinusuportahan ng United Nations.

Ayon sa DFA, nasa labing isang OFW na ang lumapit sa embahada para mag-request ng repatriation o paguwi rito sa Pilipinas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *