Showbiz

Pia Wurtzbach, nagpahayag ng interes sa role na Darna

PINAHAYAG ng 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang interes nito sa pagganap bilang Darna.

Say ni Pia na gagawin niya ang lahat at ibibigay ang buong lakas kung papalarin na ibigay sa kanya ang dream role.

Handa naman daw si Pia na sumali sa audition at aniya ay walang mali kung kanya itong subukan dahil ito aniya’y “everybody’s dream.”

Matatandaang umatras ang aktres na si Liza Soberano sa nasabing role dahil sa injury ng kanyang daliri.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *