NFA rice
Showbiz

Huling batch ng inimport na NFA rice dumating na sa bansa

DUMATING na ang huling batch na inimport na NFA rice na 18,000 metric tons sa Subic.

Sinabi ng National Food Authority na Marso 28 ay nasa 579,000 metric tons ng bigas na lamang ang natitira sa NFA.

Ayon sa NFA, simula Agosto ay wala nang ibebentang NFA rice sa merkado matapos maging batas ang rice tariffication.

Tinigil na ng NFA ang pag-import ng bigas matapos maging epektibo noong Marso ang Rice Tarrification Law.

Sa kasagsagan naman ng pagbaba sa mga imported rice, hinarana ng isang violinist ang mga empleyado ng NFA.

Kung saan ito na rin aniya ang huling trabaho ng marami sa mga ito.

Sinabi ng management na nasa 403 na mga empleyado ang mawawalan ng trabaho dahil sa Rice Tariffication Law.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *