National

18 libong pulis ipakakalat sa MM para sa ASEAN Summit


Labingwalong libong pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para siguraduhing ligtas ang venue ng ASEAN Meeting na gaganapin sa Metro Manila (MM).
Ayon kay PNP- National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, magkakaroon din ng karagdagang puwersa mula sa Region, 1, 3 at 4A.
Wala naman aniya silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa MM.
Gayunman, mahigpit aniya silang nakikipag-ugnayan sa kanilang foreign counterparts para sa paghahanda sa seguridad.
Ngayong Abril, gaganapin sa Pilipinas ang ika-30 ASEAN Summit samantalang idaraos din sa MM ang ika-50 ASEAN Ministerial Meeting at sa Nobyembre naman ang 31st ASEAN Summit na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *