agrikultura
National

Pinsala ng tagtuyot sa agrikultura, pumalo na sa halos P.5-B

Pumalo na sa halos kalahating bilyong piso ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.

Sa datos mula kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kabuuang 464.3 milyong piso ang pinsala ng tagtuyot sa mga palayan at maisan.

Apektado nito ang higit 16, 000 magsasaka sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at BARMM.

Sinabi ni Piñol na bagaman nabawasan ang produksyon dahil sa epekto ng tagtuyot ay minimal pa lamang ang pinsala dahil dumating ang El Niño kung kailan patapos na ang harvest season.

Una nang ipinag-utos ng kalihim ang pagsasagawa ng cloud seeding sa ilang piling lugar na apektado ng tagtuyot para masolusyonan ang problema sa tubig na pang-irigasyon.

MWSS, kinumpirma ang pagtulong ng Maynilad sa Manila Water

Kinumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tutulong ang maynilad sa pagsuplay ng tubig sa mga customer ng Manila Water.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, nagbigay na siya ng instruction kung paano matutulungan ang Manila Water na nagpapatupad ng water interruption sa mga lugar na kanilang siniserbisyuhan.

Sinabi ni Velasco na labing limang milyong litro kada araw ang posibleng ibahagi ng Maynilad at hindi naman maaapektuhan ng hakbang ang kanilang consumers.

Dagdag nito, iisa lamang ang pinagkukunan ng dalawang water concessionaire’s ng kanilang suplay ng tubig at ito ay mula sa Angat at Ipo Dams na papunta sa La Mesa common portal.

Aniya, nasa 1,600 million liters ng suplay ng tubig ay papunta sa Manila Water subalit sinabi ng kumpanya na kulang na ito kaya’t ginagamit na nila ang La Mesa Dam na reserba.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *