6 taiwanese
Regional

6 na Taiwanese, arestado sa Cagayan de Oro City

ARESTADO ang anim na Taiwanese nationals sa Cagayan de Oro City.

Ito’y sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Northern Mindanao at National Bureau of Investigation (NBI)-10.

Nakuha sa operasyon ang nasa P60-milyong halaga ng pekeng mga sigarilyo sa KDT Logistics Warehouse sa brgy. Kauswagan.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI na mayroong dalawang container vans ang nasa lugar.

Naglalaman ito ng kahon-kahong sari-saring sigarilyo.

Nabatid na walang legitimate stamps ng BIR ang mga kontrabando kaya kinumpiska.

Inihahanda na ng NBI-10 ang pagsasampa ng kaso laban sa anim na Taiwanese nationals.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *