Sports

Roger Federer, kinumpleto ang kanyang 100 ATP Singles title

Matagumpay na nakumpleto ng tennis star na si Roger Federer ang kaniyang ika-100 ATP Singles title matapos magwagi sa Dubai Championship.

Tinalo nito ang co-finalist na si Stefanos Tsitsipas sa final score na 6-4, 6-4.

Lumagay ang Swiss player na si Federer sa top 4 ng world rankings matapos ang kanyang pagkapanalo.

Maging ang naging katunggali nitong Greek na si Tsitsipas ay umangat sa top ten ng standing.

Sa ngayon ay nanatiling top seed player ang Serbian na si Novak Djokovic.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *