International

7 Pinoy Seaman, pinalaya sa Libya kaugnay sa kasong fuel smuggling

PINALAYA na ang pitong pinoy seafarers matapos ipawalang-sala ng Libyan High Court sa kasong tangkang pag-smuggle ng fuel.

Ito ang kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli.

Kasunod ng paglaya ng pitong crew ng M/T Levante na nahatulan ng apat na taong pagkakakulong noong Nobyembre 2018.

Ayon kay Chargé D’affaires Mardomel Celo Melicor, ang pitong akusado ay kabilang sa 20 Pinoy na inaresto ng Libyan Coast Guard noong 2017.

Dahil sa umano’y economic sabotage matapos mahuli ang tangkang pag-smuggle sa 6 milyong litro ng fuel.

Una nang pinalaya noong Pebrero 2018 ang labintatlong Pinoy seafarers.

Kasalukuyan nang pinoproseso ng gobiyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi sa pitong pinoy seamen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *