Regional

Mga probinsya na maaapektuhan ng tagtuyot, madagdagan

POSIBLENG madagdagan pa ang bilang ng mga probinsya na maaapektuhan ng tag-tuyot ngayong buwan. Mula limang probinsya ay posibleng umakyat pa ito sa sampung probinsya.

Sinabi ni Pagasa Climate Monitoring Chief Analiza Solis na nakararanas na ng tag-tuyot simula Pebrero ang ilang probinsya.

Kabilang dito ang Ilocos Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu.

Inaasahan na mararanasan din ito sa mga probinsya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Ilocos Sur at La Union ngayong buwan. Dagdag ni Solis, maaring pumalo pa sa 22 probinsya ang makaranas ng tag-tuyot pagsapit ng Abril.

Una nang sinabi ng Pagasa na nakakaranas ang bansa ng kunting pag-ulan at mas mainit na temperatura bunsod ng mahinang El Niño.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *