International

Kim Jong Un at Donald Trump dumating na sa Vietnam

DUMATING na sa Vietnam sina North Korean leader na si Kim Jong Un at U.S. President Donald Trump.

Para ito sa kanilang ikalawang Trump-Kim Summit.

Kanilang pag-uusapan kung paano maisakatuparan ang pangako ng North Korea na isuko ang nuclear weapons nito.

Maagang dumating si Kim sa Hanoi kahapon ng Martes matapos ang 3-day 3,000 kilometer journey mula sa capital Pyongyang patawid sa China.

Habang mag-alas a-nuebe ng gabi naman kagabi dumating si Trump sakay ng Air Force One.

Nakatakdang magkaroon ng brief one-on-one conversation ang dalawang leader ngayong araw ng Miyerkules ng gab.

Susundan naman ito ng dinner kasama ng dalawang guests at interpreters.

Inaasahan namang magtagpo muli ang dalawa sa Huwebes.

Ang pagtatagpo ng dalawang lider ay dumating walong buwan matapos ang makasaysayang summit nila sa Singapore.

Kungsaan ito ang kauna-unahang nangyari sa pagitan ng umuupong U.S. President at North Korean leader.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *