Fire Olympics
Regional

BFP, naglunsad ng Inter-College Fire Olympics sa Dagupan City

Inilunsad ng Dagupan City Fire Management ang Fire Olympics upang maturuan ang mga college student na magkaroon ng leadership, teamwork, at commitment sa kanilang lugar.

Pangunahing layunin ng BFP na matulungan ang mga estudyante upang maging responsible at maging matalino sa mga hindi inaasahang sakuna.

Nakilahok ang mga Criminology students mula sa University of Pangasinan, University of Luzon, Colegio de Dagupan, Panpacific University North Philippines, Lyceum Northern Luzon, at Urdaneta City University.

Bukod sa cash prize at trophy ay matatanggap ng mga estudyante ang disiplina at kaalaman na magagamit nila sa buhay.

Nagpasalamat naman si Dagupan City Fire Marshal, Chief Inspector Georgian Pascua kay city mayor Belen Fernandez, dahil sa binigay nitong suporta sa aktibidad.

Pinaplano rin ng BFP-Dagupan na magsagawa ng Junior Fire Olympics sa Marso para sa mga batang estudyante kasabay ng Fire Prevention Month.

 

Cebu CENRO, nais i-rehabilitate ang 2 ilog sa Cebu

Hiniling ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa publiko na muling tumulong sa pagrerehabilitate ng dalawang ilog sa Cebu.

Ayon kay City Councilor Nida Cabrera, balak ng CENRO na linisin din ang Lahug River at Guadalupe River sa buwan ng Marso.

Aniya, ito ay dahil sa utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang nanguna sa naganap na river clean-up drive kamakailan.

Pinakiusapan rin ni Cabrera ang mga business establishments na huwag magtapon ng basura sa mga ilog na nagiging sanhi ng tuluyang pagdumi dito.

Nanawagan rin si Cabrera sa publiko na muli silang magbo-volunteer na tumulong sa paglilinis ng dalawang ilog tulad ng pagtulong nila sa clean-up drive kamakailan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *