Filipina
National

17 year old Filipina, pasok sa next round ng X Factor UK

PINAULAN ng palakpak at isang standing ovation ang 17-year old Filipina na si Maria Laroco sa kanyang audition piece sa The X Factor UK.

Kinanta ni Maria sa kanyang rendition ng classic song ng prince na ‘’Purple Rain.’’

Kanyang napahanga ang mga hurado na sina Simon Cowell, Louis Tomlinson, Ayda Field, at Robbie Williams.

Sinabi ni Maria na maliit pa lamang siya ay pangarap na nitong maging isang international star.

“Since I was a little girl I’ve always wanted to be an international superstar,” pahayag ni Maria.
“I want to be big, so that’s why I’m doing this because I love to do it and this is my dream.”  

Ang mailap na judge na si Simon ay kanyang napahanga at ganoon na din ang former One Direction member na si Loius Tomlinson.

Sinabi ni Loius na siya ay na blew away sa performance ni Maria.

Naka-ani ng tumataginting na big yes si Maria mula mga hurado at sa audition.

Dahil dito, uusad si Maria sa next round ng naturang reality show.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *