US President Donald Trump
International

US President Trump, ibinida ang mga nagawa sa ikalawang SOTU

IBINIDA ni US President Donald Trump sa kanyang ikalawang State of the Union Address (SOTU) ang mga nagawa ng kanyang administrasyon.

Sa mahigit isang oras na talumpati sa Capitol Hill sa Washington, D.C., ipinagmalaki ni Trump ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Amerika.

At pagbaba ng unemployment rate, partikular sa mga may kapansanan.

Ibinahagi rin nito ang pag-usad ng magandang relasyon ng Amerika at North Korea.

Tiniyak naman ni Trump ang pagsuporta sa law enforcement maging sa mga kababaihang nabibiktima ng human at sex traffickers.

Tinalakay din ng US President ang bilyun-bilyong dolyar na kailangan para pondohan ang U.S.-Mexico border wall.

Binigyang-diin nito na kailangan ng US Immigration System na ligtas, moderno at makatwiran kaya’t kailangan ng pondo para sa border wall.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *