sanction
International

US, pinatawan ng sanction ang isang oil firm sa Venezuela

NAGDEKLARA ng US sanction ang Trump Administration laban sa PDVSA Gas Company na pagmamay-ari ng gobyerno ng Venezuela.

Ayon kay National Security Adviser John Bolton ay daan ito upang pigilan ang korapsyon at hindi na magamit ni Venezuelan Pres. Nicolas Maduro.

At ng kanyang mga kaalyado ang perang pag-aari ng Venezuelans.

Dagdag ni Bolton ay $7B na halaga ng assets ang mahaharangan at bilyon bilyong dolyar pa ang mawawalang kita dahil sa sanction.

Sinabi naman ni Treasury Secretary Steven Mnuchin ay makakaiwas sa nasabing sanction ang kompanya.

Kung kikilalanin nito si acting Pres. Juan Guaido bilang lider ng Venezuela.

 

US, kinasuhan ang Huawei kaugnay sa trade secrets

NAGSAMPA ng 23 kaso ang Amerika laban sa Huawei Technologies at kay Chief Financial Officer Meng Wanzhou.

Ayon sa US Dept. of Justice, sampu dito ay dahil sa pagnanakaw ng trade secrets mula sa US Telecom Network na T-Mobile.

Kabilang ang bank and wire fraud at obstruction of justice.

Habang 13 sa mga ito ay paglabag sa US sanctions sa Iran at panloloko sa mga financial institutions.

Nanawagan naman ang China na itigil ang panggigipit sa Chinese companies at tanggalin ang arrest warrant laban kay Meng.

Si Meng ay kasalukuyang nasa Canada at nakatakdang ipadeport pabalik ng China habang hinihintay ang kanyang hearing sa Pebrero 6.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *