sugatan
Regional

Pagsabog sa Cotabato City; 4 na pulis sugatan

ISA na namang pagsabog ang naganap sa Cotabato City kung saan apat na pulis ang sugatan.

Sa inisyal na ulat, nasa kritikal ang kondisyon ng isa sa biktima na si PO1 Anadon.

Habang nasa ligtas nang kalagayan sina PO1 Pareno, PO1 Capilitan at PO1 Lechago.

Pawang nakatalaga ang mga ito sa Cotabato Police Provincial Mobile Force.

Sa report ng Cotabato Police, isang landmine ang biglang sumabog sa gilid ng kalsada.

Habang nagpapatrolya ang mga pulis sa Purok Kabisig Barangay Poblacion Magpet Cotabato.

Itinuturo ng mga otoridad ang grupo ng NPA Guerilla Front Committee 53 na siyang responsable sa pagpapasabog ng landmine sa lugar.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pagsabog.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *