PUMANAW
Showbiz

“King of Pinoy Rock and Roll,” pumanaw na sa edad na 71

PUMANAW na ang King of Pinoy Rock na si Joseph William Feliciano o mas kilala bilang Joey “Pepe” Smith sa edad na 71.

Ito ang kinumpirma ng anak niyang si Daisy Smith-Owen sa isang social media post.

Ngunit hindi pa nagbibigay ng kumpletong detalye ang pamilya tungkol sa pagkamatay ng OPM legend.

Kasunod nito ay bumuhos ang pakikiramay para sa mga naulila ni Pepe mula sa mga taga-suporta at kasamahan sa industriya.

Magugunitang isinugod sa ospital ang music icon noong 2017 matapos ma-stroke sa ikatlong pagkakataon.

Habang noong nakaraang taon lang ng sumailalim ito sa operasyon.

Si Pepe ang frontman ng 70’s OPM rock band na Juan Dela Cruz na binubuo nina Mike Hanopol at Wally Gonzalez.

Ilan sa pinasikat na kanta ng Juan Dela Cruz ay ang Balong Malalim, Beep Beep at No Touch.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *