Regional

Mayorya ng mga taga-Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur, pabor sa BOL

Mayorya ng mga taga-Basilan, Maguindanao at Lanao del sur ang pumabor sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Batay sa datos mula sa ARMM Regional Plebiscite Board of Canvassers, higit 500,000 ang bomoto ng ‘YES’ sa Maguindanao kumapara sa higit 9,000 na ‘NO’ votes.

Higit kalahating milyon rin ang pumabor sa Lanao del Sur habang 9, 000 ang hindi pumabor.

Sa basilan, aabot sa 150,000 ang pumabor sa BOL habang higit anim na libo lang ang hindi.

Hindi naman pabor ang taga-Sulu kung saan mas lamang ang ‘NO’ votes na may higit 163,000 na boto kumpara sa ‘YES’ vote na may higit 137,000 lang.

Sinabi ni Atty. Ray Sumalipao, chairman ng armm Regional Plebiscite Board of Canvassers na tatapusin muna nila ang canvassing ng boto

Mula sa Tawi-Tawi bago i-transmit sa National Board of Canvassers ang lahat ng resulta mula sa ARMM provinces.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *