Security meeting
National

Tatlong ahensya nagsagawa ng National Joint Security meeting

NAGSAGAWA ngayong araw ang Comelec, AFP at PNP ng National Joint Security Coordinating meeting sa multi-purpose center sa Camp Crame.

Ang pulong ay hinggil sa isasagawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao at 2019 Midterm Election.

Pinangunahan ang pagpupulong nina PNP Chief Director General Oscar Albayalde, AFP Chief of Staff Lt. GEN. Benjamin Madrigal.

Kasama rin si Commission on Elections Chairman Sheriff Abas.

Tiniyak ni Madrigal na nakalatag na ang security measures lalo na sa Mindanao kung saan umiiral pa rin ang Martial Law.

Aniya, may sapat na bilang ng mga sundalo para sa peaceful conduct ng BOL Plebiscite at halalan.

Sinabi naman ng Comelec na magsasagawa sila ng information drive bago ang BOL Plebiscite.

At maaaring irekomenda na isailalim ang Cotabato City sa Comelec control.

Ito’y makaraan ang pagpapasabog doon noong Disyembre 31, 2018 na ikinamatay ng dalawa katao.

Sa January 21 ang gagawing plebisito sa buong Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Kabilagn ang mga lungsod ng Isabela, Basilan at Cotabato.

Sa February 6 naman sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at North Cotabato.

Una nang sinabi ni Albayalde na magpapadala sila ng karagdagang isang batalyon ng Special Action Force (SAF) troopers sa Cotabato.

Para tiyakin ang maayos na pagdaraos ng plebisito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *