Ultima Thule
International

NASA spacecraft, matagumpay na narating ang Ultima Thule

IPINAGDIWANG ng National Aeronautics Space Agency o NASA ang matagumpay na paglalakbay ng New Horizons Spacecraft patungong Ultima Thule o Thule.

Ito ay makalipas lamang ang hatinggabi nitong Bagong Taon.

Ang Ultima Thule ay isang hugis bowling pin na space rock na 4 bilyong milya ang layo mula sa Earth.

Matatagpuan ito sa Kuiper Belt o ang napakalamig at nagyeyelong rehiyon ng Solar System matapos ang planetang Neptune.

Layunin ng nasabing space mission na pag-aralan ang naturang celestial body upang mas maintindihan umano ang pinanggalingan ng ating Solar System.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *