Lacson
National

Pagkansela ng gun permit sa mga sibilyan, ipinanukala ni Sen. Lacson

Ikinatuwa ni Senador Panfilo Lacson ang pagsuporta ng anti-gun violence groups sa kanyang panukalang kanselahin ang PNP-issued gun permits para sa mga sibilyan.

Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee na tiyak niyang mababawasan ang mga krimeng gumagamit ng mga baril kapag nakansela na ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) licenses.

Paliwanag ng senador, kailangang gamitin ang mga baril para sa self-defense at pagdepensa sa mga ari-arian laban sa mga nanghihimasok sa lugar kaya’t nararapat lang aniya na itago lamang ito sa loob ng bahay.

Panahon na rin aniya para sa PNP na magpatupad ng mas mahigpit na gun control measures kasunod ng pananambang ng ilang armadong lalaki kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe sa Daraga, Albay noong Sabado.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *