Bella Santiago
Showbiz

Pinay Singer Bella Santiago, punong-puno ang skedyul matapos masungkit ang kampeonato sa X-Factor Romania Season 8

Punong-puno ang skedyul ng Filipina singer na si Bella Santiago matapos tanghaling kampeon sa X-Factor Romania Season 8.

Nakahanay na ang ilang shows ng 28 year old singer na tubong Cavite, partikular na ang kaniyang show sa Dubai sa susunod na mga araw.

Nabatid na si Bella ang first ever Pinay na nakausad sa live shows ng nasabing reality competition.

Tinalo ni Santiago ang tatlo pang contender sa kanyang final performance ang mashup hits na “love on top” at “crazy in love” ng POP Diva na si Beyonce, na minsan na siyang ikinumpara ng mga hurado.

Napanalunan ng Caviteña singer ang 100,000 Euro na cash.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *