Sinurpresa
International

Pres. Trump, sinurpresa ang U.S. troops sa pagbisita nito sa Iraq

Sinurpresa ni U.S. President Donald Trump ang U.S. troops sa Iraq nang bumisita ito sa kanila nitong Miyerkules (lokal time ng lugar).

Ito ang kaunahang trip ng pangulo sa conflict zone halos dalawang taon ng kanyang panunungkulan bilang presidente at ilang araw lamang matapos inihayag nito ang pag-pullout ng American troops mula sa karatig bansa ng Syria.

Kasama ni President Trump ang kanyang asawa na si Melania Trump, mga aide , secret service agents at iilang mga mamahayag sakay ng air force one na lumapag sa Al Asad Air Base sa kanlurang bahagi ng Baghdad.

Matapos ang mahigit tatlong oras ay umalis ang kampo ni Trump at dumaan naman ito sa U.S. troops ng Ramstein Air Base sa Germany bago tuluyang umuwi sa Amerika.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *