DTI
National

Presyo ng mga produkto para sa bagong taon, tiniyak na walang paggalaw – DTI

Tiniyak ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na walang paggalaw sa presyo ng mga produkto para sa bagong taon.

Ayon kay Castelo, mananatili ang presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa pagtatapos ng holiday season.

Una nang nagpatupad ang DTI ng panibagong Suggested Retail Price para sa mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Castelo na may ilan pa ring manufacturer at retailers ang nagbebenta ng mas mura kumpara sa SRP.

Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na magpapatuloy ang monitoring ng kanilang tanggapan sa mga palengke at groceries hanggang matapos ang holiday season.

Pagbaba ng presyo ng bigas, ipinagmalaki ng Department of Agriculture

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas.

Ito ay matapos maitala ang labing isang linggong magkakasunod sa pagbaba ng presyo ng bigas.

Patunay aniya dito ang pagbaba sa presyo ng well-milled rice na mula 0.64 ay naging 0.61 percent sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Nilinaw naman nito na mas mataas pa ito ng 10.03 percent mula sa presyo ng bigas noong nakaraang taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *