traffic sa EDSA
Metro

Pagtindi ng bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA, ramdam na

UNTI-unti nang nararamdaman ng mga motorista at pasahero ang pagtindi pa ng bigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ngayong holiday rush.

Ayon kay EDSA Traffic Management Head Bong Nebrija, asahang tatakbo lamang ng 10 kilometers hanggang 20 kilometers per hour ang mga sasakyang dadaan sa EDSA.

Ito ay sa kasagsagan ng weekdays lalo na sa Biyernes hanggang Christmas weekend.

Sinabi ni Nebrija na isa ring dahilan ng matinding traffic ang lagay ng panahon gaya ng pag-ulan.

Bukod sa holiday rush gaya ng pagdalo ng mga kababayan sa Christmas parties at pamimili sa Metro Manila ng mga galing pa ng karatig-probinsya.

Hindi aniya maaring magdahilan na lamang ang MMDA kaya’t ipinatutupad ng traffic agency tuwing Biyernes ang no-day off at no absent policy.

Para tiyak na nakadeploy ang enforcers sa EDSA.

Maliban dito ay pinaigting na rin ng MMDA ang kanilang operasyon laban sa mga iligal na nakaparadang sasakyan para malinis ang mga kalsada.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *