nagdaos
National

QCPD, nagdaos ng Christmas Party para sa mga nasagip na katutubo

NAGDAOS ng Christmas Party ang Quezon City Police District para sa ilang Aeta at Badjao.

Kanilang mga nasagip sa ilang kalsada sa lungsod na namamalimos ang mga ito ngayong kapaskuhan.

Isinagawa ang district director’s gift giving at feeding program sa Camp Karingal sa Quezon City.

Layon na matulungan ang mga Indigenous people at ang mga mahihirap na residente ng lungsod.

Pinangunahan ang programa ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel at mga kandidata ng Miss Philippines.

Sa taya ng QCPD, aabot sa 115 mga katutubong Aeta ang nasagip sa lansangan ng QC. 84 ay mga katutubong Badjao habang sinagip rin ang iba pang mga pamilya na natutulog sa lansangan at namamalimos.

Matapos ang Christmas Party, dinala ang mga nasagip na pamilya sa Jose Fabella center sa Mandaluyong.

Samantala habang ang iba ay inihatid pabalik sa kanilang mga lugar kung saan sila nanggaling.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *