gunrunner
National

Mag-asawang “big-time gunrunner”, naaresto ng NCRPO

ARESTADO ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang mag-asawa na umano’y big-time gunrunner.

Ito ay mga nagsu-supply ng mga baril at bala sa mga teroristang grupo at ilang pulitiko sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina Edgardo Medel at Rosemarie Medel.

Narekober sa mag-asawa ang mahigit labintatlong libong mga bala at tatlong matataas na kalibre ng armas.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act of 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *