INALMAHAN
National

BuCor Chief Nicanor Faeldon, inalmahan ang mga kumukwestyon sa pag-negatibo ng kanyang anak sa drug test

INALMAHAN ni Bureau Of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon laban ang mga kumukwestyon sa pag-negatibo ng kanyang anak sa paggamit ng iligal na droga.

Nilinaw na Faeldon na hindi siya nakialam sa proseso ng imbestigasyon sa kaso ng kaniyang anak na si Nicanor Jr.

Matapos maaresto sa isang drug den nitong biyernes sa Naga City.

Inamin ni Faeldon na may mga kumakausap umano sa kanya para tulungan ang anak.

Una nang sinabi ni Faeldon na hindi niya na inasahan ang negative result pagkat tiwala itong hindi gumagamit ng iligal na droga ang anak.

Nasa kustodiya ng Naga City Police si Nicanor Jr. na nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahaharap si Faeldon sa kasong paglabag sa section 7 o ang visiting drug den sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasama rin naaresto sa loob ng drug den sina Russelle “bubbles” Lanuzo, Manuel Nebres at Allan Valdez.

Tiniyak naman ni PNP Chief Oscar Albayalde sa pagkakaaresto sa anak ni BuCor Chief Nicanor Faeldon sa isang umano’y drug den sa Naga City.

Sinabi ni Albayalde na hindi rin naman tumawag sa kaniya si Faeldon matapos mahuli ang anak nito.

Magandang assurance rin aniya na sa BuCor Chief na mismo nanggaling na hindi nito kukunsintihin.

sakaling mapatunayang may kasalanan ang kanyang anak.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *