APRUBADO
National

Anti-Corporal Punishment Bill, aprubado na sa Senado

APRUBADO na ng Senado ang bicameral conference report.

Kaugnay sa panukalang Positive Discipline of Children ACT o Anti-Corporal Punishment Bill.

Raratipikahan na rin umano ito ng Kamara.

Kaya tiyak na itong mapapipirmahan kay Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.

Sakaling maging batas, mahigpit nang ipinagbabawal sa mga magulang at iba pang nakatatanda na paluin, kurutin, padipahin at murahin ang bata.

Bilang paraan ng pagdisiplina na tinatawag na corporal punishment.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros na siyang may akda ng panukala, layon nilang isulong ang positibo, mapagmahal, mapagkalinga.

At hindi bayolenteng paraan ng pagdisiplina sa mga bata.

Sa ilalim ng panukala, bawal na ang manakit at magpahirap sa mga nasa edad 17 pababa.

Kabilang sa pinagbabawal ang mga magulang, guardian, nakatatanda, foster parents, guro.

Maging mga opisyal ng barangay at scout masters ng Citizen’s Military Training (CMT) at ang gustong ibalik na ROTC.

Sa mga lalabag ay pagsasabihan ng barangay at isasailalim sa counseling, positive discipline seminar at anger management kung kinakailangan.

Kapag matindi ang pananakit, maari itong sampahan ng barangay.

At DSWD ng paglabag sa Revised Penal Code at Anti-Violence Against Women and Children ACT.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *