Gilas Pilipinas
Sports

Gilas Pilipinas, muling dedepensa sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifier

MULI namang susubok ang National Basketball Team Gilas Pilipinas na depensahan ang kanilang kampanya.

Ito ay sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifier na gaganapin mamayang gabi.

Bigo man ang Gilas noong nakaraang Biyernes kontra Kazahkstan ay handang-handa naman sila ngayong harapin ang team Iran.

Na una na din nilang nakaharap noong September 13 sa Tehran.

Nagkaroon naman ng adjustments ang player line-up ng Team Philippines.

Matapos palitan ni Christian Standhardinger si Stanley Pringle bilang naturalized player ng Koponan.

Aasahan din ang muling pagbabalik nila Troy Rosario at Jayson Castro matapos ang kanilang naging suspension.

Maglalaro na din muli si Arwind Santos para sa national team.

Matapos ang halos sampung taon ng una itong sumabak sa 2009 FIBA Asia Championship.

Magsisimula ang harapan ng dalawang koponan mamayang 7:30 ng gabi sa MOA Arena, Pasay City.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *