pasahe
National

Rollback sa pasahe, dedesisyunan sa susunod na linggo

NAKATAKDANG desisyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isyu sa pagbabalik sa P8 ang minimum na pasahe.

Ito ay sa mga pampasaherong jeep sa NCR, region 3 at 4.

Sa susunod na linggo, Disyembre 4, itinakda ng LTFRB ang pagbusisi sa usapin.

Gayundin ang isyu sa pagbabalik sa P10 na minimum na pasahe sa bus sa Metro Manila at provincial buses.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, pag-aaralan nilang mabuti ang gagawing desisyon.

Kaugnay sa panawagang maibalik ang minimum pasahe sa jeep na hindi naman ma­aagrabyado ang magkabilang panig.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *