NPA
Regional

107 rebeldeng NPA, sumuko sa otoridad sa Masbate

SUMUKO sa mga otoridad ang nasa 107 na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ito ay sa magkahiwalay na bayan ng Aroroy at Claveria, sa Masbate.

Sa ulat ng Police Regional Office-5, sa bayan ng Aroroy ay 64 ang bilang ng mga sumukong rebelde kasama na ang labing anim na babae.

Habang sa bayan ng Claveria ay 43 ang sumuko kung saan walo ang babae.

Kasamang isinuko ng mga rebelde sa mga pulis at sundalo ang kani-kanilang mga armas.

Nangyari ang pagsuko matapos ang ­ilang araw na maingat na koordinasyon at pakikipag-usap sa mga rebelde ng mga otoridad sa dalawang bayan.

Ayon ito kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (5) ng Bicol.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *