Pacquiao
Sports

Boxing champ Sen. Pacquiao, sinimulan na ang training

MULING nagbabalik ang world champion boxer-Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Los Angeles sa pagsisimula ng kaniyang training.

Sinimulan ni Pacman ang kaniyang morning routine jog bilang paghahanda sa nalalapit nitong match kay Adrien Broner sa susunod na taon.

Sa naging ensayo ni Pacquiao ay nakasama nito ang World Wrestling Entertainment (WWE) superstar na si TJ Perkins sa isang basketball game.

At sa patuloy ngang pang-arangkada ng karera ni Pacman ay ang muli ding pagbabalik ng kaniyang former coach na si Freddie Roach.

Nagkita na ang dalawa nitong Martes ng gabi.

Para sa bagong role ni Roach sa team ni Pacman na kaniyang magiging consultant.

Ito na nga ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawa.

Matapos ang naging kontrobersiyang pagkatalo ni Pacman kontra kay Jeff Horn noong 2017.

Kumpiyansa naman si Manny Pacquiao na magiging maayos ang lahat sa magiging match nila ni Broner.

Lalo na’t nasa ilalim na ito ng pamumuno ng boxing promoter na si Al Haymon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *