tree planting activity
National

KJC, SPM, at SMNI ni Dr. Pastor Apollo Quiboloy at Dep’t of National Defense, nanguna sa pagtatanim ng mga pine tree sa VMMC

MATAGUMPAY na isinagawa ang isang tree planting activity sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Nasa 200 mga pine trees ang itinanim Martes ng umaga sa VMMC.

Sa pangunguna ito ni HUDCC Sec. Eduardo Del Rosario, retired General Reynaldo Mapagu ang Undersecretary for Civil Veterans and Retiree Affairs ng Dep’t of National Defense.

Kasama rin si Dr. Dominador Chong, ang director ng VMMC.

Maging ang nasa daan-daang mga volunteers mula sa Kingdom of Jesus Christ, Sonshine Philippines Movement o SPM, Keeper’s Club Int’l.

Kalahok din ang mga doctors and nurses ng ospital.

Kabilang din sa nakiisa si Dr. Marlon Rosete ang president and CEO ng SMNI at Pauline Canada ang Senior Vice President ng SMNI.

Bilang mga representative ni Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ang naturang mga itinanim ay kabilang sa 2 libong mga Baguio pine trees na ibinigay para sa VMMC.

Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat sina Sec. Del Rosario, Usec. Mapagu at Dr. Chiong sa ipinagkaloob ni Pastor Apollo para sa VMMC.

Kinikilala rin ng mga ito ang butihing pastor sa malaking puso nito para sa kapaligiran.

Patunay dito ang mga ginawa nito sa Glory Mountain at Prayer Mountain sa Davao City.

Batid din ng mga opisyal ang malaking benipisyo ng mga itinanim na mga pine trees.

Sa sandaling malaki na ang mga puno ay nakabubuti ito sa mga pasyente ng ospital na makakatulong para sa kanilang mabilis na paggaling.

Karamihan sa mga pasyente dito ay mga pulis, sundalo, mga veterans at kanilang mga dependents.

Nais din ng taga Department of National Defense na ipagpatuloy ang ganitong ugnayan.

Para makapagtanim din ng mga pine trees sa ibat ibang kampo ng militar at kanilang mga ospital sa bansa.

Tiniyak naman ni Pastor Apollo na ipagpapatuloy niya ang pakikipagtulungan sa ahensya lalo na sa kampanya para sa kalikasan.

Matatandaang kinilala at ginawaran bilang Doctor Fellow of the Royal Institute of Environmentalists, Singapore si Pastor Apollo.

Dahil sa kaliwat-kanang pagsusulong ng mga programa at kampanya nito para sa kalikasan sa loob at labas ng bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *