Albayalde
Metro

Talamak na ‘palit-puri scheme’ sa PNP pinalagan

PINALAGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang pahayag ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP).

Na umano’y talamak sa PNP ‘palit-puri scheme’ ng mga abusadong pulis laban sa mga nahuhuling babae na may kasong droga.

Aminado si Albayalde na may nangyayaring sexual harassment sa loob ng PNP pero hindi umano ito rampant.

Ayon kay Albayalde, pinagbasehan ng CATW-AP sa “palit-puri scheme” ang kaso ng kinse anyos na dalagita.

Na umano’y inalok ng sex ni PO1 Eduardo Valencia kapalit ng kalayaan ng magulang nito na nahuli sa kasong droga.

Sinabi naman ni Albayalde na isolated case lamang ang naging pagkakasala ni Valencia at hindi ito kinukunsinti ng liderato ng PNP.

Binigyang diin pa ng PNP chief na hindi sinasalamin ng pagkakasala ng isang tao ang kaugalian at disiplina na taglay ng matitinong pulis.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *