National

150,000 construction workers, kailangan ng TESDA

Nangangailangan ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ng 150,000 construction workers para sa “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay TESDA Chief Alvin Feliciano magbibigay sila ng libreng pagsasanay sa mga makukuha pang enrollees sa gaganaping National Technical and Vocational Education and Training Enrollment and Jobs Bridging sa Abril 5 hanggang 6.

Una na rito, nagsagawa ang ahensya ng kaparehong aktibidad nuong nakaraang buwan ngunit nasa 25,000 lamang umano ang nag-enroll.

Sa ilalim ng Build, Build, Build Program, magtatayo ng paliparan, siyam na railways, mga kalsada at tulay, mga pantalan at iba pang pag-gagastusan ng walong trilyong piso ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *