14th Month
National

14th Month Pay Bill, pinag-aaralan na ni Duterte

Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung gagawing priority bill ang panukalang obligahin ang mga pribadong kompanya na bigyan ng 14th month pay ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala pang pahayag ang pangulo kaugnay sa Senate Bill 2 na inihain ni Senate President Tito Sotto noong Hulyo 2016.

Aniya, kokonsultahin pa ng pangulo ang kaniyang economic managers hinggil sa 14th month pay bill na nasa senate committee level na.

Gayunman, umaasa ang mga labor groups na maipapasa ang nasabing panukalang batas na sagot umano sa inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nakasaad sa panukalang batas na ang 13th month pay ay dapat ibigay ng mga employers bago ang June 15.

Ang 14th month pay ay bago o sa mismong araw ng December 24.

SMNI New

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *