JV Ejercito
National

Sen. JV Ejercito, gagamitin ang apelyidong Estrada sa 2019 elections

NAGDESISYON si Senador JV Ejercito na gamitin pa rin ang Estrada bilang nickname sa 2019 midterm elections.

Ito ani Ejercito ay upang hindi na umano magtampo ang kaniyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Aminado si Ejercito na sumama ang loob ng kaniyang ama matapos lumipat ito sa Nationalist Peoples Coalition (NPC).

At manumpa siya kay Senate President Tito Sotto.

Sinabi ni Ejercito na kanyang kakausapin si Erap sa susunod na linggo.

Para maipaliwanag ang naging desisyon nito na lumipat sa NPC.

Tutol naman si dating Senador Jinggoy Estrada na gamitin ng kanyang kapatid na si Senador JV Ejercito ang apelyidong “Estrada.”

Tinukoy ni Jinggoy ang pahayag ng kapatid na ang kanyang performance sa Senado ang maaaring pagbasehan ng mga boboto sa kanya.

Giit ng dating senador, gagamitin ni JV ang apelyidong Estrada dahil kulelat siya ngayon sa mga survey.

Aminado naman si Senador JV na mahihirapan nang ayusin ang alitan nila ng kapatid na si Jinggoy.

Sinabi ni JV na malalim at dekada na ang hidwaan nila ni Jinggoy.

Posibleng aniyang hindi pa maayos dahil sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala at prinsipyo.

Pero umaasa pa rin si Ejercito na pagdating ng panahon ay maayos din ang hindi nila pagkakaunawaan ng kaniyang kuya.

Dahil hindi aniya ito makakatulong sa bayan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *