magpapatuloy
Sports

Azkals, bigong makapasok sa 2018 Bangabandhu Gold Cup Finals

HINDI na magpapatuloy ang kampanya ng pambato ng Pilipinas at top sa Group B Stage na Azkals.

Sa nagpapatuloy na 2018 Bangabandhu Gold Cup sa Bangladesh.

Ito ay pagkaraan ng mainit na match set nila kontra Tajikistan na nagtapos sa goal score na 2-0 pabor sa mga Tajikistan.

Hindi man pinalad na umabante sa finals ang Azkals ay isang malaking karangalan at karanasan na ang naging pagsali nila sa nasabing torneyo.

Pinangunahan ng National Football Team ng Pilipinas Azkals ang Group B Stage.

Matapos ito sa naging matagumpay na pagkapanalo nila kontra Laos.

Nagtapos ito sa score na 3-1 at sa host na Bangladesh sa score na 1-0.

Ang Gold Cup na inorganisa ng Bangladesh ay parte ng paghahanda ng Azkals.

Kaugnay sa nalalapit na AFF Suzuki Cup 2018 at AFC Asian Cup UAE 2019.

Samantala, magtatapos naman ang torneyo sa darating na Biyernes sa isang Winner-Take-All Finals.

Gaganapin ito sa Bangabandhu National Stadium.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *