Strike
National

DILG, ipatutupad ang ‘One-Strike Policy’

Ipapatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang “One-Strike Policy” para sa mga opisyales at kawani na magpo-positibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año, seryosong pinapanatili ng DILG ang ligtas at drug-free na tanggapan.

Sinumang opisyal o empleyado ang magpositibo sa resulta ng drug test ay papatawan ng grave misconduct.

At maaaring matanggal sa serbisyo sa unang pagkakasala pa lamang.

Ayon kay Año, sakop ng One-Strike Policy ang lahat ng opisyal at empleyado ng DILG local government sector, kabilang ang job order at contract of service status.

Lahat ng kawani ay sasailalim  drug testing.

Ang implementasyon ng One-Strike Policy ng DILG sa pamamagitan ng Circular 2018-22 ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Civil Service Commission (CSC) Memorandum Circular (MC) No. 13, S. of 2017, at Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 2 S. of 2017.

Sa ilalim ng polisiya, mananatiling requirement ang drug testing upang makapasok sa gobyerno ang mga appointive DILG officials o employees.

“Ang sino mang aplikante na lalabas na positibo sa paggamit ng bawal na gamot ay hindi pahihintulutang magtrabaho sa anumang ahensya ng pamahalaan,” ayon pa kay Año.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *