Ikinadismaya
National

Pagpayag ng korte na makadalo si Zaldy Ampatuan sa kasal ng anak nito, ikinadismaya ni Duterte

Ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging aksyon ng korte na payagang makadalo si Zaldy Ampatuan sa kasal ng kanyang anak nitong nakaraang araw.

Ito ang iginiit ni Presidential Spokeperson Harry Roque sa pagpayag ng korte na makalabas ng kulungan ang isa sa mga suspect sa Maguindanao massacre noong 2009.

Tiniyak ng Palasyo sa mga pamilya ng biktima ng malagim na krimen na hindi ito makaaapekto sa kaso laban sa mga Ampatuan.

“I can assure you this will not affect the case. And I think you know why I can give that assurance.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Una ng pinayagan ng korte si Zaldy Ampatuan na makadalo sa kasal ng kanyang anak na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City.

Giit naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na sinubukan ng prosecutor na harangin ang naturang mosyon ni Ampatuan ngunit kinatigan ito ng korte dahil na rin sa humanitarian reasons.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *