magbukas
National

Boracay, mapipilitang magbukas

Pipiliting magbukas ang Isla ng Boracay ngayong darating na buwan ng Oktubre.

Ito ay sa kabila ng mababang bilang ng environmental compliance ng mga establisyimento  sa isla.

Naging dahilan ng pagsasara ng isla ang kawalan ng maayos na sistema sa sewerage system ng mga establisyimento at iba’t-ibang kaso ng paglabag sa environmental laws.

Ayon sa DILG, wala pa sa 100% ng mga negosyo sa isla ang may environmental compliance at koneksyon sa itatayong Sewerage Treatment Plan (STP).

Ayon sa panuntunan ng DILG, hindi nito papayagang magbukas ang alinmang negosyo sa lugar kung hindi tatalima sa regulasyon lalo na sa STP.

Mula sa 100% target ng Boracay Island Foundation katuwang ang DILG at DENR, nasa 30% percent pa lamang ang nakapag-comply sa nasabing panuntunan.

Hinihintay pa ng mga ahensiya ang ibang negosyo na may interes na magkabit ng STP sa kanilang mga pwesto sa ilalim ng One Stop Shop Program.

Dito manggagaling ang listahan ng mga establisyimentong makakapasa sa panuntunan ng DILG at Boracay para makapagbukas ng negosyo.

Aminado ang DILG na kung magpapatuloy ang mababang datos na ito, ay posibleng magdulot ito ng paghina ng ekonomiya ng isla.

Napag-alaman na karamihan ay ayaw magpakabit sa sewerage treatment plant dahil sa kamahalan ng gastos rito.

Pinag-aaralan na rin ng Senate Committee on Environment and Natural Resources na pababaan ang bayad sa seweage ng mga negosyo.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *