impluwensiya
National

NBI, hindi magpapa-impluwensiya ukol sa P6.8-B shabu shipment

Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi sila magpapa-impluwensiya kaninuman.

Ito ay sa ikakasang imbestigasyon tungkol sa umano’y P6.8-B halaga ng shabu na naipuslit matapos itago sa apat na magnetic lifter.

Inihayag ni NBI Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin na gagawin nila ang kanilang trabaho at hindi magpapadala sa anumang pressure.

Tiniyak ni Lavin na ibabase nila sa ebidensiya ang kanilang gagawing imbestigasyon gamit ang forensic procedures.

Ito ay upang madetermina kung may nakalusot nga bang iligal na droga o sadyang ispekulasyon lang ang naging pahayag ng pdea.

Sinabi ng tagapagsalita ng NBI na bumuo na sila ng task force na tututok sa gagawing pagsisiyasat.

Mahigpit ang direktiba ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na gawing malaliman ang imbestigasyon at malaman ang puno’t dulo ng kontrobersiya.

Magugunitang sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara ay iginiit ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na negatibo sa iligal na droga ang nakumpiskang magnetic lifters sa Cavite.

Ulat Ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *