Plea
National

Korte naghain ng “Not Guilty Plea” para kay de Lima

Tinanggihan ni Senador Leila de Lima ang paghain ng plea sa kanyang kinakaharap na kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trade.

Si de Lima ay binasahan ng sakdal sa Branch 205 ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ilalim ng sala ni Judge Anilia Fabros Corpuz.

Sa pagbasa ng sakdal, iginiit ng senadora na pawang fabricated o gawa gawa lamang ang mga impormasyong inihain ng prosekusyon kaugnay sa conspiracy.

Ayon kay Senador de Lima

 “Your Honor, this charge is pure invention, pure fabrication.

It’s a sham case. So there’s nothing to plead to. So therefore, I refuse to enter a plea.

In addition, I was listening to the reading of the amended Information.

And I see that the amended Information is a duplicitous charge, a flagrant violation against me, of my constitutional right to be duly informed of the nature of the accusations.

How can I be charged under a single Information with two distinct offenses? So I refuse your honor.”

Dahil dito, ang korte na lamang ang naghain ng “Not Guilty Plea” para sa kanya.

Makailang na ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal dahil sa pagbabago sa criminal information.

Nag-ugat ito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP) noong si de Lima pa ang kalihim ng DOJ na nakakasakop na Bureau of Corrections (BUCOR).

Ayon sa kampo ng senadora, ginawa lamang ito ng prosekusyon dahil sa kawalan nila ng sapat na ebidensya laban sa nasasakdal.

Ulat Ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *