Minority leader
National

VP Robredo, dismayado sa pagkakatalaga kay Suarez bilang House Minority Leader

Dismayado si Vice President Leni Robredo sa pagkakatalaga kay Rep. Danilo Suarez bilang Minority leader ng Kamara.

Ayon sa pangalawang pangulo, isa itong malinaw na paglabag sa mga patakaran ng Kamara.

“Malinaw itong paglabag sa mga patakaran ng Kamara, na nagtatakdang ang lahat ng bumoto para sa nanalong Speaker ay bahagi dapat ng Majority.”

Matatandaan na isa si Suarez sa mga nanguna sa pagsuporta at pagboto kay dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker.

Naniniwala si Vice President Robredo na isa ito sa mga dahilan para sa tuluyang paghina ng ating mga demokratikong institusyon.

“Isa na naman ito sa mga dahilan para sa tuluyang paghina ng ating mga demokratikong institusyon.”

Dahil dito, ang kinikilala ni Robredo ang tunay na Minority ay ang grupo ni Rep. Miro Quimbo.

Na ayon sa kanya ay patuloy na maninindigan para ipaglaban ang karapatang pantao, soberanya ng ating bansa, at ang kapakanan ng Sambayanang Pilipino.

SMNI News

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *