PESONet System
Metro

Mga bangko sa bansa, hinimok na tangkilikin ang PESONet System

Matapos ilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang PESONet System o Electronic Fund Transfer.

Ipinagmalaki ng BSP ang lumalagong ugnayan nito ng iba’t ibang bangko sa bansa at maging sa ibayong dagat.

Pursigido ang pamunuan ng BSP sa panawagan nito na tangkilikin ang makabagong sistema.

Makakatulong ito sa mas mabilis at banayad na palitan ng transaksyon sa negosyo at maging sa mga personal na mga bayarin.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, malaki pa ang kailangang ayusin para sa mas epektibong serbisyo sa lahat ng bank consumers sa bansa.

Pinagagana ang PESONet bilang online payment, mobile o electronic payment sa mas mabilis na paraan.

Bahagi ng programa ang maayos at mabilis na pagbabayad ng buwis, at iba pang transaksiyon na may kinalaman sa mga serbisyo sa ilalim ng DOF, Bureau of Treasury, BIR, DICT at DBM.

Nasa 58 na mga financial institutions ang kasalukuyang miyembro ng PESONet transactions.

Maliban sa bangko, maaari ring makakuha ng serbisyo ng PESONet sa online at phone channels.

Sa huli, nanindigan si Union Bank Executive Vice President John Cary Ong na nasa mga konsyumer pa rin ang desisyon sa pagtangkilik sa nasabing sistema.

Ilan sa mga pangunahing bangko sa ibang bansa ang may kahalintulad na E-Fund Transfer ay ang mga sumusunod:

  • Bank of America
  • Bank of China
  • Development Bank of the Philippines
  • Eastwest Bank
  • JP Morgan Chase Bank
  • UCPB at marami pang iba

POL Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *