Davao del Sur
Regional

13 katao, nasawi sa karambola sa Davao del Sur

Labing tatlo ang patay matapos magkarambola ang isang van at truck sa highway ng Pitugo, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na galing sa Sitio Lantawan, Astorga ang nasabing van.

Ilan sa mga biktima ang nadaganan ng van na siyang dahilan ng kanilang kamatayan.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang ang mga sugatang pasahero ay dinala sa pagamutan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa madugong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *