magkakaisa
National

Duterte Admin, paghuhusayin ang paghahatid ng serbisyo publiko

Magkakaisa ang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mahusay na paghahatid ng serbisyo para sa publiko kasunod ng pagbaba ng net satisfaction nito sa ikalawang quarter ng taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi isasantabi ng Palasyo ang kinalabasan ng survey.

Ipinunto ni Roque na hindi lang ang gabinete ang bumaba ang satisfaction rating kundi pati ang buong gobyerno.

Posibleng talakayin sa cabinet meeting ang pagpapahusay ng trabaho ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa taumbayan.

Base sa 2nd quarter survey ng Social Weather Station bumaba ang net satisfaction rating ng Supreme Court, Senado, Kamara at gabinete ng Duterte Administration.

Ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *